Valerie Godoy-Batangas
Huwebes, Nobyembre 10, 2016
Buod- Bunga ng Kasalanan ni Cirio H. Panganiban
Si Virginia ay isang relihiyosang babae at siya ay sampung taon nang kasal kay Rodin ngunit wala silang anak. Mayaman si Virginia,popular naman si Rodin at silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganaan. Laging nananalangin si Virginia sa Mahal na Birhen habang si Rodin ay taimtim na tumatawg sa Diyos upang silay magkaroon na ng anak. Ngunit dahil sa malaking pagkasulong nang matandang karunungan sa paggamot,itoy nagbigay ng panibagong pagasa kay Virginia at kay Rodin. Parang hiwaga,matapos ang matiyagang pagpapagamot,ang karunungan ng isang doktor ay lumunas sa matagal na kalungkutan ng magasawa. Nagdalangtao siVirginia at pagkaraan ng mahabang buwan ay naisilang na ang kanilang anak at sinunod nila sa pangalan ni Rodin. Tuwang tuwa si rodin nang sabihin sa kaniya na siya ay ama ng isang sanggol na lalaki kayat siyay napalundag. Siyay nagtungo na sa silid ng kanyang magina. Hinalikan niVirginia sa noo ang kanyang panganay na anak at pangalawang pagibig. Palibhasay madasalin,mahina ang puso,may takot sa Diyos,mahinang mahina ang katawan at mahina narin ang pagiisip ay unti unti nang nag aalinlangan sa kalinisan ng kaniyang pagiging ina. Gusto na niyang maniwalang siyay iasang makasalanan sapagkat nilabag niya ang kalooban ng Diyos. Dahil sa kaniyang paniniwala ay nawala pansamantala ang pagibig ni Virginia sa kanyang anak kaya minsan na niyang pinagkaitan ng gatas at mga halik. Hindi lamang diyan nagtatapos ang kanyang kalupitan ng pagiisip. Nang talaga na siyang naniniwala na ang kaniyang anak ay hindi galing sa kaniyang laman kundi pinaghaluhalong gamot ng karunungan,nakalimutan na niyang siya ay isang ina at wala nang ginawa kundi manalagin na lamang sa altar ng Birhen at humingi ng tawad sa Diyos. At minsan, nang makita nioyang kargakarga ni Rodin ang kanilang anak,biglang nag apoy ang kaniyang mata sa galit kaya inagaw niya kay Rodin ang kanilang anak. Siyay humalakhak at sabay sabing "Bunga ng Kasalanan! Ito ay hindi natin anak" Hindi nila anak ang pinaglalaanan ng alaga,oras at pagmamahal ni Rodin,iyan ang sabi ng baliw nasi Virginia. Kinaumagahan,matapos ang iasang gabi na walang tulog at umiiyak,sinikatan ng araw siRodin sa piling ng kaniyang anak. Nasa higaan pa si Virginia at sa mga sandaling iyon ay nakita niyang kunuha niRodin ang kanilang anak at bigla na lamang nitong binaon ang kaniyang matutulis na kuko sa malalambot na laman ng sanggol,mga ngiping malahalimaw at walang awa niyang sinasakal ang kaawaawang bung ng kasalanan. Napasigaw ng malakas si Virginia at nang umulat niya ang kaniyang mga mata siysy bumangin at nakita niyang nakangiti sa kaniya at naglalaro sa mga bisig niRodoin ang napanaginipan niyang anak. At dahil sa munting ngiti ng sanggol,nagliwanag ang pagiisip ni Virginia."Itoy aking anak" ang nasabi niVirginia ng buong kasiyahan."oo,at ako ang ama ng batang iyan!" sagot naman ni Rodin. Hinalikan nila ang kanilang panganay na supling na dahil sa kabaliwan ni Virginia ay tinawag na "Bunga ng Kasalanan".
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)